Sa kalagitnaan ng pagkainip, eto na naman ako at walang magawa kundi mg browse sa internet ng mga trabahong makakatulong sa aking pag unlad. Oo, sa aking pag unlad, dahil wala naman akong napapala sa pag tyatiyaga ko sa trabaho kong 'to. Siguro sabihin na nating tinatamad na din ako sa paulit-ulit kong ginagawa araw-araw. At hindi na nawawala sa isipan ko kahit sa panaginip ang mga katagang, "thank you for calling, how may I help you?" sabay nguso habang hindi nakikita ng kliyenteng nakasimangot ako..wahahaha..
Haaayyy..kelan pa ko makakahanap ng trabahong malaki ang sahod pero walang ginagawa? Mga pulitiko lang ata 'yon at mga pokpok. Hehe..So far my feedback naman sa mga pinasahan ko ng aking generic na resume. Kahapon lng ay natanggap ko ang mensahe sa aking email para sa isang interview. Natuwa naman ako dahil isa ito sa mga pinangarap kong kumpanyang pagtatrabahuhan. Thank You Lord kahit hindi pa ako pasado. Ok na ako kahit interview pa lng. Marahil ay ito na nga ang katuparan ng aking mga pangarap. Wish ko lng!
'Wag ninyong batiin baka mausog! Balitaan ko na lng kayo sa mga susunod na mga kabanata ng aking buhay pagaaplay..
No comments:
Post a Comment