Monday, January 11, 2010

'PANAGINIP'


Ako’y tila lutang sa asul na alapaap
Naghihintay ng mainit mong yakap
Ngkukubli sa katotohanan,
Na ito’y isang panaginip
At pawang kathang isip

Naglalaro sa aking imahinasyon
Ang sa’yong mukha’y ngaabang na reaksyon
Kung sakaling muli tayong magkita
Nais hagkan at muli kang makasama
Panaginip nga ba?

Ang wari ko’y hanggang pangarap na lang
Ang kahibangang matagal kong inasam
Ngunit hindi ako mapapagod kailanman
Sa paghihintay sa’yo ng walang hanggan.

No comments:

Post a Comment