Paano mo nga ba maipapaliwanag sa mga osiserong tao ang tunay na ikaw? Para sa mga tsismosa, tambay, walang magawa o reporter at kung sino pa na interesado sa makulay na buhay mo, gudlak sa kanila! Ni hindi ka nga sigurado kung sino ka, ‘di ba? At kung anong silbi mo dito sa mundong ibabaw.
Una ka nang nagtangkang magpakamatay dahil sa pag-ibig at ngayon heto ka na naman. Walang tigil, walang sawa. Hindi ka pa ba pagod sa ginagawa mo? Bakit hindi mo tanggapin sa iyong sarili na hindi ka niya kayang mahalin tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Ilang beses ka na ba niyang niloko at ilang beses mo na din siyang nahuli? Hindi pa ba sapat ‘yon para maawa ka sa sarili mo at mahalin mo naman ito.
Hindi dahilan ang problema sa pamilya o sa trabaho para mawalan siya ng gana sa’yo. At pag narinig mo ang mga katagang ito tulad ng “I need space”, alalahanin mo sana na sa sobrang gasgas na nyan, e na daig na nya ang poll voting para sa Pacquiao, Mayweather match at naungusan na ang votes para sa mga kasali sa seven wonders of the world. Haay!
At kung sasabihin mo sa akin ngayon na nagmamahal ka lang, oo, sang ayon ako pero hindi ito dahilan para mawalan ka ng respeto sa iyong sarili. Kung ako sa’yo ipatanggal mo na ‘yang katarata sa mata mo nang makakita ka ng malinaw .Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo. Mas marami pang mas makabuluhang bagay ang dapat mong pagtuunan ng pansin kesa magpakalugmok ka dyan sa isang sulok at umiyak. ‘Wag mong sirain ang maganda mong buhay, ang ‘yong kinabukasan.
Tumingin ka sa salamin. Muka ka nang losyang at matanda sa kakaisip dyan sa taong ni minsan ay hindi ka naman pinansin. Ang eyebags mo pwede na butasin dahil puno na. Ang wrinkles mo sa noo pwede nang sulatan ng grade 1 kasi extended na siya hanggang anit. Habang ikaw nandyan nagpapakatanga, siya naman nandun nagpapakasarap. Ang laking pagkakaiba ‘di ba? Matalino ka naman, maganda, marami pa dyan na hindi mo lang pinapansin. Tumingin ka lang sa paligid mo, pero ‘wag ka namang bulag at maging insensitive. Kawawa naman ang taong susunod kasi malamang ay maging panakip butas lang siya kung hindi ka pa handang magbagong buhay. ‘Wag ka mawalan ng pag-asa meron darating mala-SUPERMAN na ipagtatanggol ka. Haay ang sarap sa pakiramdam na may nagmamahal sayo hindi dahil sa ano mang kadahilanan kundi dahil sa isang bagay lang—mahal ka niya kung sino at ano ka ng buong-buo, walang labis, walang kulang…

No comments:
Post a Comment